APG's NOTE: Following is the full text of an email message sent to me recently by Lyden Mendoza, mother of Mark Mendoza, a two-year-old boy stricken by a rare liver ailment called billiary atresia. Those who wish to extend any help may contact me or click on the Link to access Baby Mark's website
Dear Sir Ares,
Kamusta po kayo? Pasensya na po kayo kung hindi ko po kayo agad na-email kasi na-admit po si MArk sa PGH dahil sa dumumi po siya ng dugo at nilagnat po siya. Ok na po si Mark, nakalabas na po siya ng August 24, nagbirthday po siya ng august 27. Tuwang-tuwa nga po ako dahil nakatungtong si Mark ng 2, sa kabila ng mga pinagdaanan niyang hirap. At pagmamayabang ko pong sasabihin sa inyo na sa dinamidami ng kasabay ni MArk(lahat sila halos ay namatay na), heto pa rin ang anak ko at tuloy ang pakikipaglaban! Kung titingnan po ninyo si Mark ay mukhang ok naman siya, mataba, hindi gaanong madilaw, (malaki nga lamang ang tiyan dahil na rin sa malaking liver at spleen niya), sa kabila ng "parang ok" naman siya kung titingnan ay nagtatago ang takot para sa akin bilang ina niya. Clinically speaking, hindi po ok si MArk. Madalas na ang kanyang paglalagnat(buwan-buwan ay nasa PGH siya dahil sa lagnat), matataas na klase na ng I.V. Antibiotics ang kailangan niya, delayed na ang kanyang developments at higit sa lahat 2 YRS OLD NA SIYA. Sabi nila pag nakalapmas daw ng 1 ang biliary atresia baby ay masuwerte na pero sigurado na hindi na ito aabot ng 2. Kaya ang takot ay tinatago ko sa aking sarili. Hindi ko nga po alam kung dapat ba akong matuwa o matakot na nakatungtong siya ng 2. Natutuwa ako na nakapag-2 sya dahil hindi lahat ng biliary atresia babies ay nakakaabot ng 2 years old, natatakot ako dahil ito na ang delikadong stage ng buhay niya. Kaya sa bawat lagnat, sa bawat kakaibang nakikita ko kay Mark, tinatanong ko ang sarili ko, "ito na ba ang umpisa? umpisa ng panghihina ni Mark?". Pero sa awa ng Diyos, nakakarecover pa rin si MArk. Pero hanggang kelan sir? Iyon, ang hindi ko po alam. Sa totoo lang po sir ares, iniisip ko na, itigil na itong paghahanap ng paraan para mapaoperahan si Mrk dahil nawawalan na ako ng pag-asa na mangyayari pa ito, pero heto ako, gumagawa at naghahanap pa rin ng paraan, dahil nakikita ko si MArk, nahihiya ako sa kanya na tumigil sa paghahanap ng paraan.
Tungkol po sa sinasabi ko sa inyo noon na Liver Transplant dito sa Pilipinas, hindi po natuloy iyon. Nagkaroon po kasi ng problema sa Makati Medical Center kay pinull-out po ang proposal doon. Balik Taiwan na naman po kami na 3 to 4 Million ang kailangan. May mga inaayos pa rin po si Doktora de villa na pwede naming mapuntahan para makapagpa-opera pero ayon sa kanya ay under negotiations pa ang mga ito. Kaya habang wala pa kaming kumpletong pera ay maghihintay muna kami hanggang sa maayos ang lahat, yun ay kung makakapaghintay ang mga biliary atresia babies, yun ay kung makakapaghintay po si Mark. Ito pa namang sakit na ito ay may oras na hinahabol, ayon na rin sa salita ni Dra. de villa, "para itong time bomb na bigla na lang sasabog!". Sana lang ay makapaghintay pa si Mark at ang lahat ng biliary atresia babies dito sa pilipinas.
Sir Ares, nahihiya po talaga ako sa inyo na istorbohin kayo at kulitkulitin dahil alam ko naman po na busy kayong tao dahil na rin po sa trabaho niyo pero sir, sana po ay maintindihan ninyo ako at mapagpasensyahan kung minsan ay nangungulit po ako sa inyo. Wala naman po akong ibang taong kilala na malalapitan. Minsan kaya, naghihihntay nalang ako sa kung anuman ang mangyayari ay dahil wala naman talaga po akong alam na malalapitan. Kung meron lang, matagal na po akong naghanap ng paraan. Kaya sana po sir, kugn hindi naman po ito kalabisan sa inyo, sana po kung may kilala kayong mga tao na pwede naming mahingan ng tulong ay tulunagn naman po ninyo ako. Kahit ako na po ang maglumuhod para magmakaawa sa paghingi ng tulong sa kanila, kahit na po hindi ninyo ako samahan kung nahihiya po kayo, kahit na po mga pledges lang ang mahingi ko, kahit puro pledges lang po ang maipon ko basta po masiguro ko lang na sa araw ng transplant ay may mahuhugot po ako. Kailangan ko na pong kumilos sir, bago pa mahuli ang lahat. Sana po ay maintindihan ninyo ako sir ares. Pagpasensiyahan po sana ninyo ako. Kung naiinis na po kayo sa akin, sori po, ginagawa ko po ito para kay Mark. Ganunpaman, lubos po ang pagpapasalamat ko sa inyo sir ares, sa kabutihan po ninyo sa amin, maging sa inyong anak na tumutulong kay Mark. Maraming salamt po. God bless us all.
Lyden Mendoza